Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Photo Courtesy: NewsLine.ph

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go nitong Huwebes na ang klase ay dapat i-reschedule na ng Oktubre para masiguro ang kaligtasan ng stakeholder sa gitna ng COVID-19 pandemic at ang kahandaan ng mga ito sa paggamit ng mga alternative learning platform.

“Umaapela ako sa Executive branch na kung maaari ay i-postpone muna ng ilan pang buwan ang pagbubukas ng klase habang wala pang bakuna sa COVID-19. Huwag nating isugal ang buhay at kaligtasan ng ating mga kabataan,” pahayag ni Go.

Ayon din dito, ang pagpapaliban ng klase ay magbibigay ng kaunti pang oras para sa mga estudyante, guro at mga magulang upang mag-adjust sa distance learning.

“Karamihan sa atin hirap pa mag-transition sa alternative modes tulad ng online transactions at online learning. Ang internet hindi rin reliable, tapos ‘yung offline modes of learning naman pinaghahandaan pa rin,” ayon dito.

“Kung hindi pa handa, huwag nating pilitin. Magiging kawawa ang mga estudyante, kawawa ang mga teachers. Hirap na po ang mga Pilipino, huwag na nating dagdagan pa ng pressure ang mga bata at mga magulang nila,” dagdag ni Go.

Samantala, nais ipa-postpone nina Senador Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino ang klase sa mga lugar lamang na nakailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ngunit ang tugon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, tuloy na tuloy na ang klase sa Agosto 24.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 23.2 milyong estudyante ang nag-enroll sa buong bansa.

Sa panahon ng online classes, ang gagamitin ng mga estudyante ay TV, radyo, internet, at self-learning modiles para sa pag-aaral sa gitna ng pandemiya.

Ayon din sa DepEd, tinatayang nasa 4/10 schools division offices (SDOs) sa bansa ang naka-kumpleto nang mag-print ng 50% ng self-learning module para sa unang quarter ng School Year 2020-2021.

Source: GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.