Nakatakda nang ipatupad ng Department of Education (DepEd) sa mga silid-aralan ang boluntaryong pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19.

Kasunod ito nang kautusang inilabas ng Malacañang noong nakaraang linggo na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor spaces.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, maglalabas sila ng amendatory department order (DO) hinggil dito.

“We will follow [Executive Order No.] 7 and issue an amendatory [department order],” pahayag ni Poa nitong Martes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Una nang inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor areas, sa gitna nang patuloy na banta ng COVID-19.

Ngayong araw naman, Nobyembre 2, ipatutupad na sa mga public schools ang limang araw na face-to-face classes, alinsunod sa kautusan ng DepEd, maliban sa mga paaralang sinalanta ng bagyong Paeng, gayundin ang ginagamit pa bilang eva­cuation centers.

Ang mga private schools naman ay una nang pinahintulutan ng DepEd na magdaos ng blended learning, full face-to-face classes o full online learning.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.