Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ayon sa anunsyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nadagdagan ang kanilang mga pampublikong sasakyan matapos mabigyan ng special permit ang 30 bus units. “Tatlumpung (30) bus units ang binigyan ng panibagong special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa biyaheng PITX-Lawton na sasagot sa kakulangan ng pampublikong sasakyan na kailangan para sa nasabing ruta.” ayon sa kanilang anunsyo.

Sa kasalukuyan ay bumabiyahe na ang mga bus na hawak ng Mega Manila Consortium Corporation via Roxas Blvd., Padre Burgos route. Kabilang din dito ang Cher Transport Corp., Bovjen Transport Services, at JRMS Golden Sky Transport Inc.

Samantala, ang ilan sa mga ruta ng bus na manggagaling sa PITX ay ang mga sumusunod:

  • EDSA Carousel (PITX – Monumento via EDSA)
  • PITX – Dasma
  • PITX – NAIA Loop
  • PITX – Alabang
  • PITX – Monumento (via R10)
  • PITX – Trece Martires
  • PITX – Naic
  • PITX – Sucat
  • PITX – Cavite City
  • PITX – Southmall
  • PITX – Vito Cruz
  • PITX – Nichols

Paalala naman ng pamunuan ng terminal, sumunod sa mga patakaran upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga pampublikong lugar.

“Patuloy pa ring ipinatutupad ng PITX ang safety measures sa terminal para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ilan sa mga pinaiiral ay ang physical distancing, pagsuot ng face mask, at paghikayat sa mga pasahero na palaging maghugas o magsanitize ng mga kamay.” ayon sa kanila.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.