Magpapatupad ng bawas-presyo sa ilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa simula ngayong araw Martes, Febrero 28, 2023.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel, at P1.80 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
May bawas presyo din sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang ipapatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag-bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na dagdag presyo na P0.90 sa kada litro ng gasolina at P1.05 sa kada litro ng diesel habang katiting na bawas presyo naman na P0.25 sa kada litro ng kerosene epektibo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Remate
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.