Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Pinatunayan ng isang binatilyo sa Ifugao na kaya niyang magbago at walang ibang pinakamasaya sa kaniyang ginawa kung hindi ang kaniyang mga magulang.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing dati nang nasangkot sa mga gusot sa barangay ang grade 5 student na si Denard Uy-Uyon.

Pero sa isa niyang ginawang katapatan, kinikilala siyang modelo ng kabataan matapos niyang isauli ang napulot na pouch sa jeep na may lamang na mahigit P100,000.

Sa halip kasi na pag-interesan, ibinigay niya sa ina ang pouch para hanapin at maibalik sa tunay na may-ari.

Dahil may ID sa pouch, naging madali ang paghanap sa may-ari ng pera na kabarangay din pala nila.

Ang katapatan na ginawa ni Denard, nakarating sa Department of Education Tayo Youth Formation Division Office of Ifugao, at binigyan siya ng pagkilala sa Facebook post.

“Indeed, this young boy heard well and internalized the teachings of his parents, relatives, teachers and other mentors from other agencies,” saad sa post.

“He is now a model to other children,” patuloy nito.

Tuwang-tuwa at proud na proud ang mga magulang ni Denard sa ginawa ng kanilang anak.

“Masaya ako kahit piso wala siyang kinuha doon,” ayon sa ama ni Denard na si Narciso. “Kaya sabi ko, yan ang dapat na gawin mo para yung mga batang katulad mo ma-inspire naman sila.”

Sabi naman ni Denard, “Hindi pa po huli ang lahat para ako magbago. Masaya po ako kasi gumawa ako ng mabuti. Patunayan ko po na nagbago ako.”

Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.