Ayon sa lolo ng bata, nagpagtuli ang kaniyang apo sa medical mission na isinagawa ng Scout Royal Brotherhood Fraternity sa Zaballero, Lucena City noong Marso 19.
Pero hindi raw tumitigil sa pagdurugo sa tuli ng bata hanggang sa isugod na siya sa ospital noong Marso 21. Ngunit kinabukasan ay binawian na siya ng buhay.
Sa death certificate ng biktima, nakasaad na naubusan ng dugo ang bata kaya ito binawian ng buhay.
Lumapit ang pamilya ng biktima sa Volunteers Against Crime and Corruption at Public Attorneys Office upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng bata.
Naniniwala sila na nagkaroon ng pagkukulang at kapabayaan sa mga nagsagawa ng medical mission at pagtutuli.
Isasailalim din sa awtopsiya ng PAO Forensic Team ang bangkay ng biktima.
Inihayag naman ni PAO Chief Atty. Persida Acosta, na posibleng nagkaroon ng malpractice at kapabayaan sa nangyari sa bata. Hindi man lang umano kinumusta ang kalagayan ng biktima ng mga nasa likod ng isinagawang libreng tuli.
Dapat din umanong magsilbing aral ang pangyayaring ito sa mga magsasagawa ng medical mission na dapat ay magkaroon ng screening sa mga pasyente bago magsagawa ng procedure.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
President ‘Bongbong’ Marcos Jr. Idineklara na holiday sa July 9 para sa Eid’h Adha
Idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang (July 9, 2022) bilang regular holiday sa pagdiriwang ng Eid'l Adha. Nakasaad sa Proclamation No.2 ni Marcos na ipinagdiriwang ng bansa ang Islamic holiday na ito sa ilalim ng Republic Act 9849 ngunit may...
Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo
Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...
COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na
Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...
2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado
Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.