Marami ang may planong magpa-booster shot ang hindi natuloy matapos makaranas ng sintomas o kaya naman ay nagpositibo sa COVID-19. Pero kailan nga ba nila puwedeng ituloy ang booster shot matapos gumaling?

Nitong Lunes, naglabas ng checklist ang Department of Health (DOH) ng mga dapat tandaan sa pagpapa-booster shot matapos makaranas ng sintomas o tamaan ng COVID-`19.

  • Kung tatlong buwan na ang nakalilipas matapos ang iyong primary series ng AstraZenica, Moderna, Pfiser, Sinovac, o Sputnik, o pagkatapos ng dalawang buwan naman para sa Janssen.
  • Natapos mo na ang iyong isolation period
  • Maski hindi na naggamot, hindi ka na nilalagnat sa loob ng 24 oras
  • Bumuti na ang iyong respiratory symptoms.

Kung tsek sa lahat ng nabanggit, sinabi ng DOH na maaari nang magpabakuna.

Nitong Lunes, iniulat ng DOH na 37,070 ang mga bagong kaso COVID-19 cases sa bansa. Dahil dito, umabot na sa active cases sa 290,938.

Sa mga aktibong kaso, 9,187 ang asymptomatic, 277,020 ang mild, 2,947 ang moderate, 1,480 ang severe at 304 ang critical.

Mayroon namang gumaling na 33,940 na pasyente, at 23 naman ang nadagdag sa mga nasawi.

–FRJ, GMA News

Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.