Nadiskubre ang isang kumpol na mga coral garden ng mga grupo ng diver sa Ternate, Cavite ito ay nagpapatunay na hindi pa patay ang Manila Bay. Natagpuan ang kumpol ng mga coral garden sa paglilinis sa ilalim ng tubig at pagsubaybay sa coral ng mga scuba divers ng Provincial Environment and Natural Resources (Penro)-Cavite, Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), ang unipormadong volunteers ng Coast Guard. Ang unang coral garden ay natuklasan noong Mayo 17, 2021 ng parehong grupo ng mga propesyonal na diver habang naglalagay ng mga marker buoy sa mga hangganan ng Core Zone ng Ternate Marine Park (TMP). “It was found approximately 20 meters away from the seashore and 26 feet deep,” ani Andrea Panganiban, development management officer sa Penro Cavite.
Idinagdag ni Panganiban na ang hardin ay binubuo ng soft at hard corals na nagpapatunay na mayroong species sa loob. “It could be opened for ecotourism such as responsible diving,” aniya. Ang mga bagong tuklas na coral gardens ay natagpuan 30 metro ang layo mula sa unang hardin. Dalawampu’t limang marker buoy ang inilagay sa lugar ng mga diver upang protektahan ang core zone ng marine park. Inalis din ang mga marine litter sa mga coral reef at isang payaw, isang fish aggregate device rin ang ilagay sa lugar upang makaakit ng mga pelagic na isda. Naniniwala si Panganiban na ang pagtuklas ng mas maraming coral garden sa Ternate Marine Park ay magpapalakas sa moral ng komunidad, kaya hinihimok nila ang mga mamamayan na protektahan ang lugar mula sa labis na pangingisda. “The purpose of TMP is to boost eco-tourism and promote fish abundance,” saad niya.
Source: Manila Times
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.