Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room.

Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli nalang nila na alimango ang pambayad sa abogado. Pumayag si Atty. Bose at saka siya binigyan ng kliyente ng mga alimango.

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino,” dagdag ni Atty. Bose sa kaniyang Facebook post.

Source by GMA News
Photo courtesy: Noel Allan Bose

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Umabot na sa Halos 115,000 Doses ng Bakuna ang Naiturok sa Imus, Cavite

#BidaAngMayBakuna Update:115,000+ COVID-19 Vaccines Administered! Umabot na sa sumakatutal na 115,042 ang bilang ng mga bakunang naiturok para sa first and second dose ng ating vaccination program simula nang ito ay ating inilunsad. Walang patid ang ating pagsisikap...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.