Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng PNP Maritime Group ang anim na mangingisda na sangkot sa illegal dynamite fishing noong November 10, sa bayan ng Ternate.

Kinilala ng PCG ang mga suspek na sina Acer Conjelado, 40, kapitan ng bangka; at mga tripulante ng bangka na sina Arnel Montecalvo, 49; Robert Orqueza, 35; Nikko Antiojo, 23; Albert Conjelado, 45; at Jaymar Orqueza, 25. Pawang residente ng Brgy. Labac, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang magkasanib na pwersa ng PCG at PNP teams ay nagsasagawa ng maritime security patrol sa Carabao Island sa bayan ng Ternate noong Nobyembre 10 nang makita nila ang isang “kahina-hinalang” fishing boat na pinangalanang “Sky Jay”.

Lumapit ang mga awtoridad sa fishing banca at wala nang nagawa ang mga mangingisda nang isailalim sila sa inspeksyon.

Sinabi ng PCG na natagpuan nila sa banca ang anim na homemade dynamites na nakakabit sa 750 mL na bote na may air compressor.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Dinala ang mga mangingisda sa himpilan ng pulisya habang nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 92 (Fishing through explosives, noxious, or poisonous substance, or electricity) ng Republic Act 10654 na in-amyendahan sa Philippine Fisheries Code of 1998.

“The PCG Station Cavite remains active in seaborne patrols to suppress illegal, unreported, unregulated fishing and other lawless activities in their area of responsibility,” pahayag ng PCG.

Ang paggamit ng dinamita at iba pang mapanirang pamamaraan sa pangingisda ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas dahil sinisira nito ang mga korales, tahanan ng mga isda na nakatutulong sa kanilang pagpaparami, at iba pang buhay sa dagat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Manila Bulletin, PCG
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

P2k cash allowance para sa PWD, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs). Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.