Nasawi ang isang batang lalaki na anim na taong gulang matapos siyang saksakin ng sarili niyang ama sa Numancia, Aklan.

Sa ulat ni John Sala sa GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na kinuha umano ng 30-anyos na suspek ang kaniyang anak sa bahay ng kaniyang mga biyenan.

Sinubukan daw itong pigilan ng kapatid ng suspek pero nang-amba na raw ito ng saksak.

Dinala ng ama ang kaniyang anak sa kanilang bahay at doon na sinaksak ng suspek ang biktima ng dalawang beses.

Matapos saksakin ang kaniyang anak, nagsaksak din sa sarili ang ama.

Isinugod sa ospital ang bata pero namatay din. Habang ginagamot naman ang ama sa tinamo niyang sugat.

Ayon sa pulisya, hindi maganda ang relasyon ng suspek sa kaniyang asawa.

Naghiwalay daw ang dalawa noong 2021 at nagtatrabaho na sa Boracay ang ginang.

“Ang suspek siguro hindi niya matanggap na wala na, nag-separate na ang kaniyang misis,” ayon kay SSG. Felizardo Navarra Jr., imbestigador ng Numancia MPS.

Desidido umano ang ina ng bata na kasuhan ang kaniyang mister dahil sa ginawa sa kanilang anak.

Source: FRJ, GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.