Positibong ginahasa ang limang-taong-gulang na babae na nakitang patay at nakasilid sa plastic bag sa Batangas City. May indikasyon din na pinahirapan siya.

Sa ulat ni Andrew Bernardo sa GMA Regional TV “Balitang Southern Tagalog” nitong Lunes, sinabing inaresto ang 23-anyos na suspek na kapitbahay ng biktima pero itinanggi niya ang mga paratang laban sa kaniya.

Nitong Sabado nakita ang bangkay ng biktima sa likod ng bahay ng suspek sa Barangay Wawa. Bago nito, nawala ang biktima matapos na manood ng basketball.

Sa isinagawang awtopsiya sa bangkay ng biktima, sinabi ng mga awtoridad na positibong pinagsamantalahan ang bata. Sinakal din siya gamit ang tali.

“Makikita po natin na duguan po parang medyo may pasa-pasa ang bata, parang ito’y pinahirapan muna bago pinatay. ‘Yon po ang ginawa ng suspek sa bata,” sabi ni Police Captain Richard de Guzman, chief investigator, Batangas City Police.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, may nakitang mga bakas ng dugo sa banyo ng bahay ng suspek na kapitbahay ng biktima.

Inaresto ang suspek pero itinanggi niya ang paratang dahil umalis daw siya at may trabaho nang mangyari ang krimen.

Pero kombinsido ang tiyahin ng biktima na ang suspek ang may gawa ng karumal-dumal na krimen.

Napag-alaman na nakulong na ang suspek at nakalaya noong 2019 dahil sa ilegal na droga.

Nang isailalim sa drug test ang suspek, nagpositibo siya sa droga.

Sinampahan na siya ng reklamong rape with homicide.

Source: FRJ, GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.