Ayon sa Department of Health (DOH) inaprubahan na ang paglalagay ng COVID-19 vaccination sa mga paaralan.

Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, inaayos na lamang aniya ang mga guideline para rito at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Education (DepEd) at mga local government unit (LGU).

“Magkakaroon tayo ng school-based vaccination. Inaayos na lang ‘yong ating mga guideline. Nakipag-usap, nakipag-coordinate na tayo sa mga taga-DepEd at mga LGU para tumulong ang DOH at LGU sa pagbabakuna sa mga school na ito,” ani Usec. Cabotaje sa isang public briefing kahapon.

Batay aniya sa resolusyon na inaprubahan mula sa Inter-Agency Task Force for the Ma¬nagement of Emer¬ging Infectious Diseases (IATF), ang pagbabakuna sa mga paaralan ay magbibigay ng pagkakataon para sa mga batang edad 5-11 na mabakunahan.

Gayunpaman, sinabi ng IATF na dapat itong gawin nang may pahintulot ng mga magulang o tagapag-alaga, at pag-apruba ng mga mag-aaral mismo alinsunod sa mga alituntunin ng DOH.

Source: Abante News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.