Nakumpiska ng mga pulis sa apat na hinihinalang big-time drug trafficker ang nasa 33 kilo ng marijuana sa naganap na operasyon nitong Lunes ng madaling sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Sa isang spot report, sinabi ng Region IV-A Police na nakita ng mga lokal na awtoridad sa kanilang isinagawang routine patrol ang isang nakaparadang Toyota Innova sa madilim na bahagi ng kalsada sa Barangay Langkaan 1 bandang alas-12:55 ng umaga.

Nang lapitan ng mga pulis ang sasakyan, naging walang galang ang mga pasahero nito, na kinilalang sina Orlando Abong, Christian De Torres, Jeremiah Schroeder, at John Edmar Ortelano, dahilan upang magsagawa sila ng karagdagang inspeksyon sa sasakyan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Nakuha ng pulisya sa loob ng sasakyan ang 40 brick ng pinatuyong dahon ng marijuana at anim na plastic sachet na naglalaman din ng mga damo, na may kabuuang bigat na 33 kilo o may tinatayang street market value na P330,000.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang dalawang bote ng liquid marijuana.

Dahil dito ay kinnumpiska ng mga awtoridad ang sasakyan na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa kanilang illegal drug trade.

Habang kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang lahat ng suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Inquirer
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.