MANILA, Philippines — Apat na lalaki na hinihinalang motornapper ang nadakip nang i-post sa Marketplace ng Facebook ang tinangay nilang motorsiklo mula sa isang waiter, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan matapos na makipagbarilan pa sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Cavite, kamakalawa.

Ang mga suspek ay inaresto matapos umanong tangayin ang motorsiklo ng biktimang si Jayson Claraval, binata, 26, waiter, ng Brgy. Tatalon, Quezon CIty.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ng mga tauhan ng Galas Police Station PS-11, sa pangunguna ng station commander na si PLTCOL Richard Ian Ang, ang mga suspek sa General Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PCpl Ryan Guiquing, dakong alas-12:20 ng madaling araw ng May 11, nang iparada ng biktima ang kaniyang motorsiklong Mio Sporty na kulay itim sa harapan ng Northline Hardware sa Cabalata St., Brgy. Tatalon, Quezon City, ngunit nang balikan ay nawawala na ito.

Ilang oras lamang ang nakalipas ay nakita umano ng biktima ang kaniyang nawawalang motorsiklo na agad nang naka-post na “for sale” sa Facebook FB Marketplace at ibinebenta sa halagang P23,500 lamang.

Nang matiyak na pag-aari ng biktima ang ibinebentang motorsiklo sa FB ay agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng PS -11 at nakipag-transaksiyon sa mga suspek na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga ito sa Gen. Trias.

Nagawa namang makatakas ni Casauay matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10883 o The New Anti-Carnapping Law of the Philippine.

Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.