Umabot sa 4 na Barangay o nasa 806 katao ang inilikas nitong Linggo dahil sa banta ng bagyong Karding sa evacuation center sa Sta Cruz Elementary School sa lungsod ng Cavite.

Alas-5 pa lang ng hapon nitong Linggo, inevacuate na ng mga barangay ang mga nakatira sa tabing dagat, partikular sa Manila Bay, Bacoor Bay, at Kanyakaw Bay.

Karamihan sa mga bahay ng mga residente ay gawa sa kawayan.

Ayon sa punong barangay ng Barangay 10A na si Benito Reyes, malakas talaga ang hampas ng alon kapag bumabagyo kaya’t minabuti na nilang ilikas ang mga residente.

Ang mga inilikas naman, nangangamba na magiba ang kanilang tirahan, pero nagpapasalamat pa din dahil ligtas sila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ang isa sa mga evacuee na si Rodel, nahirapan pang lumikas dahil sa kapansanan.

“Yung mga tao nagmadali namang lumikas, nataranta din kasi nag-sigmal number 3 nga po kami ang Cavite City,” ani Reyes.

Sa ngayon, puno ang 19 na classrom ng eskwelahan. Sa isang classroom may 25 pamilya ang tumutuloy.

Sa huling tala ng CDRRMO ng Cavite City, nasa 882 families o 3,000 individuals na ang kanilang na-evacuate at patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: ABS-CBN News
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.