Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology na maari ng alisin sa publiko ang pagsusuot ng face mask kung patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Sa tingin ko, medyo mahaba-haba pa iyan. Let’s see in the next two to three months [at] kung talagang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso, like less than 200 [ay] most likely baka hindi na natin kailangan ang face mask,” ani Sorante.

Malaking bagay aniya ang pagsusuot ng facemask sa pagkontrol sa pandemic na naging mabisa upang hindi kumalat ang Omicron variant.

Samantala, pinayuhan ni Solante ang susunod na administrasyon na ituloy lang ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon at paigtingin ang pagbabakuna.

Mahalaga rin aniya na palawakin ang mga healthcare facilities lalo na ang mga government facilities bilang paghahanda sa susunod na pandemya o sa anumang sumusulpot na mga nakakahawa o infectious diseases.

Source: Philippine star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.