Naaresto ng ang tatlong miyembro ng budol budol gang sa follow-up operation ng kapulisan matapos biktimahin ang isang 72-anyos na lola nitong Martes sa Bacoor, Cavite.

Kasong swindling at paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (illegal possession of firearms) ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Rolando Samson y Dalisay alyas `Intsik’, 53; Mark Sanchez y De Luna, 33; at Marilyn Geroy y Baсas, 50.

Sa reklamo ng biktimang si Jacinta Uriarte kay Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor Police, naglalakad siya sa gilid sa Brgy. Bayanan nang lapitan ni Rolando at nagtatanong kung may alam na mabibilhan ng makina ng motor boat dahil hindi umano niya kabisado ang lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Pero sumingit sa kanilang usapan si Marilyn at nagsabing samahan sila at inalok ang kanyang Honda City na na minamaneho ni Mark. Dahil umano sa tiwala, sumama na rin sa kanila ang biktima.

Doon na gumana ang modus ng grupo matapos na mapaniwala ang matanda.

Nabawi naman ang P150,000 cash na natangay ng mga suspek at nasakote rin ang mga ito matapos na humingi ng tulong ang matanda sa pulisya.

Nahulihan din ang tatlong suspek ang baril na kalibre .45 at isang granada.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Source: Abante News

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.