Arestado ang tatlong babae kabilang ang isang lola na mga miyembro ng laslas gang matapos hiwain at tangayin ang laman ng ecobag ng dalawang babaeng biktima habang namamalengke sa Silang, Cavite.

Hindi na nakapalag ang mga suspek na nang damputin sila ng mga pulis dahil sa reklamo nina Jennilyn Sarmiento, 35-anyos, ng Camia St. Brgy San Miguel 2, Silang, Cavite at Richel Hiponia, 39-anyos, ng B6 L10, RCD Royale Homes Brgy. Kalubkob, Silang, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, sinundan ng mga suspek ang dala­wang biktima habang namamalengke sa Silang Public Market sa Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite dakong alas-10:50 ng umaga.

Nakuha kay Baay ang P731 na cash habang P190 at postal ID ang natangay kay Tausa.

Nakita sa CCTV ng pamunuan ng palengke ang pagdikit sa kanila ng mga suspek at paglaslas sa kanilang mga bag kaya’t ipinagbi­gay-alam nila ito sa pulisya.

Source: Abante News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.