Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nag-viral kamakailan ang isang video na nagpapakita sa isang napakasayang ina dahil sa magandang balita ng kaniyang anak.Ayon sa pinakahuling update ni Cavite Governor Jonvic Remulla, delayed na umano ang 2nd dose ng vaccine sa halos 100,000 katao dito sa lalawigan ng Cavite. “Sana makuha na po natin ang supply ng vaccines mula sa National Government. Delayed na ang 2nd dose ng halos 100,000 katao. ” ani Remulla.
Pahayag din nito, nakapagtala ng 86 confirmed cases ang lalawigan ng Cavite. “Kahapon, nagtala ng 86 confirmed cases ang Cavite. Apat dito ay galing sa Office of the Provincial Governor. Dalawa ay fully vaccinated na habang yung dalawa ay naka-isang dose pa lamang.” ani Remulla.
“Mild to asymptomatic yung mga fully vaccinated. Kaso, isa sa kanila hinawahan na ang buong pamilya. Yung dalawa naman ay may moderate symptoms. Dahil dito, ako ay mapipilitang maghanap ng alternatibong opisina habang hinihintay ang safety quarantine ng mahigit sa 75% na empleado sa Kapitolyo.” dagdag pa nito.
“Ang private order ng Cavite LGU para sa 1,500,000 doses ng NOVAVAX ay tinatayang darating sa mahigit na isang buwan. Kamakailan, ang NOVAVAX ay napabalitang isa sa pinaka-epektibong bakuna sa buong mundo. ” ayon din kay Remulla.
Pinaalalahanan din ni Remulla ang publiko na mag-ingat lalo na sa COVID-19 Delta Variant. “In the meantime, let’s all be careful and mindful of COVID-19 lalo na at may 16 katao ang naitala ng DOH na nag-positibo sa mas nakakahawang Delta variant. Isa dito ang namatay habang 5 ay mga OFWs na galing UAE, Qatar at UK. Yung confirmed local transmissions ay nagmula sa Mindanao, Metro Manila, Central Luzon at Visayas.” paalala ni Remulla.
“Please continue to observe all health safety protocols. We are doing our best to get as many people vaccinated as soon as possible.” dagdag pa nito.
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.