23 katao ang namatay sa Norway ilang araw matapos mabigyan ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer kung saan 13 umano rito ay konektado sa side effect ng nasabing bakuna. Ito ay ayon sa ulat ng New York Post.

Ang nabanggit na 13 nasawi ay nursing home patients na hindi bababa sa 80 taong gulang.

“Common reactions to the vaccine, including fever and nausea may have contributed to a fatal outcome in some frail patients” saad ni Norweigan Medicines Chief Physician na si Sigurd Hortemo.

Sa kasalukuyan, mahigit 30,000 katao sa Norway ang nakatanggap ng bakuna ng Pfizer simula nang nakaraang buwan.

Ayon naman kay Steinar Madsen na Medical Director ng ahensya, hindi sila naaalarma sa dito.

“It is quite clear that these vaccines have very little risk, with a small exception for the frailest patients. Doctors must now carefully consider who should be vaccinated. Those who are frail and at the very end of life can be vaccinated after an individual assessment.” pahayag nito.

Ayon din sa ulat, may 29 kabuuang bilang ng mga nakaramdam ng side effects ng nasabing bakuna.

Umaabot umano ng 400 katao ang namamatay sa nursing home population kada linggo.

Ayon naman sa Pfizer, nakikipag-ugnayan na sila sa Norweigan Medicines Agency upang makalap ang lahat ng impormasyon na may kinalaman sa mga pasyenteng nasawi.

Sa kabuuan, may 58,202 bilang ng mga natamaan ng COVID-19 sa Norway kung saan 517 dito ang nasawi.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.