Isang babae na dalawang-taong-gulang ang namatay matapos pagsusuntukin ng kaniyang sariling ama na nagising sa ingay umano ng bata

Sa ulat ni Tere Sundayon sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Miyerkules, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na unang sinabi ng suspek na stepfather na nahulog umano ang bata kaya dinala sa ospital at doon binawian ng buhay.

Pero nagduda ang mga awtoridad sa pahayag ng suspek kaya isinailalim sa awtopsiya ang mga labi ng bata at doon nakita ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Kinalaunan ay sumuko rin ang suspek at inamin na limang beses niyang sinuntok sa tiyan ang bata dahil nagising siya sa ingay nito.

Hindi naman matanggap ng tunay na ama ng bata ang sinapit na kamatayan ng kaniyang anak.

Ayon naman sa mga kaanak ng biktima, maalaga at malambing naman daw ang suspek kaya hindi nila inakala na magagawa nitong patayin ang bata.

Iniutos na umano ng piskalya na magkaroon ng premilinary investigation sa naturang kaso.

Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.