Kinilala ni QCPD Director, BGen. Nicolas Torre III ang mga suspek na sina Ikenna Onuoha, 37, isang Nigerian, at Jacel Ann Paderan, 28, kapwa residente ng Molino 1, Bacoor, Cavite.
Ang mga suspek ay sinasabing nakatangay umano ng mahigit P2 milyon mula sa Pinay na nakilala ng dayuhan sa isang online dating app.
Ayon kay Torre, ang mga suspek ay inaresto dakong alas-5:45 ng hapon sa Almera St. ng naturang subdibisyon.
Nabatid na ang mga akusado ay kapwa mayroong nakabinbing Warrant of Arrest para sa Swindling/Estafa na inisyu ni Hon. Maria Gilda Loja-Pangilinan, Presiding Judge, Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 230.
Nag-ugat umano ang pag-iisyu ng warrant of arrest sa reklamo ng isang Pinay na nakilala ni Onuoha, sa dating site na ‘MeetMe.’
Sa panahon ng kanilang pakikipag-relasyon, sinabi umano ni Onuoha sa biktima na uuwi siya ng Pilipinas, ngunit humingi ng tulong pinansiyal mula sa biktima dahil ang kanyang online banking account ay nagkaproblema.
Sinabihan umano ng dayuhan ang biktima na magpadala ng pera sa isang alyas Mohammedna malaunan ay natukoy na si Paderan pala.
Sinasabing umaabot sa kabuuang P2,282,000 ang halaga ng pera na natangay ng mga suspek mula sa biktima.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
LABAN PILIPINAS!
LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...
Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo
Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...
Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA
Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na