Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong itaas ang yearly service incentive leave SIL ng mga kwalipikadong empleyado sa sampung araw mula sa dating lima.

Sa botong 273-0, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 988 na inakda ni Baguio City Representative Mark Go.

Sa ilalim ng nasabing batas, bibigyan ng 10-day SIL with pay ang mga empleyadong kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kumpanya sa loob ng isang taon.

“With the increase in the number of leave credits in the form of sick or vacation leaves left purely at the discretion of employers, employees constrained by limited leave credits are left vulnerable to sickness, emergencies, and other fortuitous events that would cost them a day of paid work,” ani Go sa isang explanatory note.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
“The granting of paid leaves is not only beneficial to the employees but economically advantageous for employers as well. Such incentives boost the morale and satisfaction of employees which are manifested in increased productivity,” pagpapatuloy nito.

Samantala, hindi naman sakop sa nasabing batas ang mga empleyadong mayroon nang 10 araw na paid leave at mga kumpanyang mayroong empleyado na hindi bababa sa 10.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: GMA News
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

P2k cash allowance para sa PWD, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs). Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.