Dalawa ang patay sa Cavite City matapos magkaroon ng barilan nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2020 sa Pulo 3, Cavite City. Isa dito ay pulis at ang isa naman ay ang suspek na nagpakilala bilang isang Navy.

Nangyari ang nasabing inisidente bandang ala-una ng hapon nitong Biyernes sa gitna ng pagsasagawa ng anti-carnapping operation at pagpapatrol ng Cavite Provincial Highway Patrol Team sa nasabing lungsod sa pangunguna ni PCapt Guadamor.

Isa umanong Silver Gray Nissan Tierra na walang plate number ang namataan ng patrol team kung saan may sakay itong dalawang lalaki. Nang lapitan ang mga ito at hingan ng mga dokyumento, nagpakilala ang dalawang lalaki bilang mga miyembro ng Navy.

Pahayag ni PCMS Domingo, nakakita siya ng uniporme ng Navy na nakasabit sa loob ng sasakyan. Pagkatapos naman  kausapin ng pulisya ang mga lalaki, itinaas nila ang bintana ng sasakyan at ang isa sa mga ito ay nagpaputok ng kalibre 5.56 na baril sa isa sa mga HPG personnel kung kaya’t nagpaputok din ng baril ang personnel na nauwi sa pagkasawi ng isa sa mga suspek.

Samantala, isa sa mga HPT personnel na kinilalang si PCMS Julius Arcalas ang malala ang tama ng baril kung kaya’t agaran itong isinugod sa Cavite Medical Center ngunit idineklarang Dead on Arrival. Bukod pa dito, mayroon ding isang sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala. Kinilala ang biktima na si Eduardo Magbana mula sa Barangay 8, Pulo 3.

Matapos ang aksidente ay dali-daling humarurot para tumakas ang drayber ng Nissan Terra at kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Mga Chismoso At Chismosa, Maaaring Masampahan ng Kaso

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Kasabay ng pagkalat ng COVID-19, ay...

Maaari Nang Bumili Ng Alak Kahit Anong Oras sa Lalawigan ng Cavite

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: RMN NetworksOpisyal...

Mall Hours sa Cavite, Hanggang 9PM na

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Ang mga mall hours ay extended na...

Nakaw na Cellphone, Naibenta ng Suspek sa Mismong May-Ari

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: Mobigyaan Isang 20...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.