Nakatanggap ng tulong mula sa mga pulis ang mga commuters sa Imus, Cavite upang maka-angkas sa mga truck para makarating sa kanilang paroroonan.

Ang lungsod ng Imus ay kasalukuyang nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) kung kaya’t mayroon nang ilang pampublikong sasakyan gaya ng jeep. Ngunit ang katabing lungsod nito na Bacoor ay kasalukuyan pang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung saan wala pang mga pampublikong sasakyan. Kaya naman, ang mga pasahero, napipilitang maglakad mula sa boundary ng Imus at Bacoor patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga commuters, kani-kaniyang diskarte sa pagpasok sa kanilang trabaho. Ang ilan pa nga, napipilitan umanong maglakad mula Imus hanggang sa Metro Manila para lamang may maipakain sa kani-kanilang mga pamilya.

Bilang tulong ng mga pulis sa mga pasahero, nakikiusap ang mga ito sa mga truck drivers upang maisabay ang mga commuters na walang masakyan.

“Pinapara po namin sila ng mga delivery truck na hindi naman po maabuso ‘yung social distancing tapos binababa sila kung saan may checkpoint tapos nakikiusap kami do’n sa kanila na lumapit sa kapwa pulis namin para isakay sila ulit,” ayon sa isang pulis mula sa Cavite Mobile Task Force.

Dagdag pa nito, naiintindihan daw nila ang sitwasyon ng bawat isa ngayon at ito daw ay simpleng paraan lamang nila upang makatulong sa kapwa sa panahon ng krisis.

 

Info Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.