Inanunsyo ni Pangulong Duterte Linggo ng gabi (Agosto 2, 2020) ang paglalagay ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine simula Agosto 4 hanggang Agosto 18 upang pagbigyan ang kahilingan ng mga frontliner na paghihigpit ng lockdown measures.

Narito ang ilan sa mga patakaran na kailangang sundin ng publiko sa sa mga lugar na nakailalim sa MECQ:

• Population – 100% ng populasyon ang kailangang manatili sa tahanan
• Exercise – Limited Outdoor exercise lamang ang papayagan (e.g., outdoor walk, jog/run, bike) nang may pagsunod sa safety protocols (i.e., masks and 2m distancing)
• Gathering – Mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering (5 Maximum)
• Travel – Walang pampublikong transportasyon. Walang domestic flight at limitado ang international flight. Controlled inbound travel (mga OFWs at returning Filipinos). Inirerekomenda ang paggamit ng bisikleta at mga non-motorized transport. Bawal ang inter-island travel.
• Schools – Sarado ang mga eskwelahan.
• Government – Skeletal onsite. Ang ibang empleyado ay work from home.

Transportation – Sa ilalim ng MECQ, walang pampublikong transportasyon kagaya ng Rail (PNR, LRT, MRT), bus, jeepney, taxi, at TNVS. Kabilang din dito ang mga tricycle ngunit sa DILG/LGU naka-depende ang guidelines. Samantala, papayagan naman ang mga public shuttles para sa mga frontliner at mga trabahador sa mga pinapayagang industriya.

Para naman sa mga pribadong sasakyan:
• Company Shuttle – Kailangan ng special permit mula sa LTFRB para sa rented shuttle (50% capacity)
• Personal vehicle – mga empleyado o nagtatrabaho sa mga sektor o aktibidad na pinapayagan (2 persons per row)
• Bicycle – 1 person max
• Motorcycle – 1 person max
• E-Scooter – 1 person max (subject to existing traffic regulations)

Samantala, naglabas ng anunsyo si Governor Jonvic Remulla ngayong Lunes na maglalabas ito ng guidelines para sa ipapatupad na MECQ sa lalawigan ng Cavite. “Cavite is back to MECQ starting midnight of August 4 until August 18 along with Laguna, Rizal and NCR. Active cases in Cavite is 1,021 with approx. 71 cases confirmed today. Stay tuned for our guidelines.” ani Remulla.

Manatiling nakatutok sa Proud Caviteño Facebook page para sa karagdagang detalye.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Hindi Pa Nakaka-Rehistro sa National ID? Basahin Ito:

Narito ang mga hakbang sa unang step ng pagreregister ng National ID.1.Pls. Log on To Register For Your Appointment Procedure: https://register.philsys.gov.ph 2. I-fill out ang lahat ng mga impormasyong hinihingi. Ang lahat ng impormasyon ay mandatory lalo na ang...

2 Patay, 3 Naman ang Sugatan sa Banggaan na Naganap sa Naic, Cavite

Dalawa ang inulat na nasawi matapos maganap ang banggaan ng tatlong motorsiklo sa Naic, Cavite nitong Huwebes, Mayo 06, 2021.Ayon sa balita ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Michael Pascua at Eddie...

2 Taon Gulang na Bata, Patay Matapos Mabulunan ng Jelly Candy

Naganap ang insidente nitong Miyerkules, Mayo 04, 2021 sa Mati City, Davao Oriental. Narito ang ilang pahayag mula sa ABS-CBN News."Nagdadalamhati ang pamilya Cercado sa Mati City, Davao Oriental dahil sa pagpanaw ng 2 taong gulang nilang miyembro na si Ash. Noong...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.