Isinaad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes na ang mahihirap na mga Pilipino na tumatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang uunahin na mabigyan ng bakuna ng COVID-19 sa oras na magkaroon na nito.

Ayon din dito, ang sunod na bibigyan ay ang mga middle-income citizens gayundin ang mga militar at pulis na tinatawag nitong “backbone” ng kaniyang administrasyon.

“Ang una talaga ‘yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno. Ngayon, pangalawa, ‘yung middle income. Libre ito, hindi ko ito ipagbili,” ani Duterte.

“Yung mga upper income bumili na lang kayo,” dagdag nito.

Ihinayag ni Duterte sa State of the Nation Address noong Lunes (Hulyo 27) na nakiusap ito sa Presidente ng China na si Xi Jinping na unahin ang Pilipinas sa oras na makabuo na ang China ng bakuna laban sa COVID-19.

Tugon naman ng China, bibigyan prayoridad nito ang Pilipinas sa oras na maging matagumpay ang isinasagawa nitong bakuna.

Ang pagbibigay prayoridad ng Beijing sa Pilipinas sa isinasagawa nitong bakuna ay kinumpirma ni Pangulong Duterte ngayong Biyernes.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Hindi Pa Nakaka-Rehistro sa National ID? Basahin Ito:

Narito ang mga hakbang sa unang step ng pagreregister ng National ID.1.Pls. Log on To Register For Your Appointment Procedure: https://register.philsys.gov.ph 2. I-fill out ang lahat ng mga impormasyong hinihingi. Ang lahat ng impormasyon ay mandatory lalo na ang...

2 Patay, 3 Naman ang Sugatan sa Banggaan na Naganap sa Naic, Cavite

Dalawa ang inulat na nasawi matapos maganap ang banggaan ng tatlong motorsiklo sa Naic, Cavite nitong Huwebes, Mayo 06, 2021.Ayon sa balita ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Michael Pascua at Eddie...

2 Taon Gulang na Bata, Patay Matapos Mabulunan ng Jelly Candy

Naganap ang insidente nitong Miyerkules, Mayo 04, 2021 sa Mati City, Davao Oriental. Narito ang ilang pahayag mula sa ABS-CBN News."Nagdadalamhati ang pamilya Cercado sa Mati City, Davao Oriental dahil sa pagpanaw ng 2 taong gulang nilang miyembro na si Ash. Noong...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.