Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

May 121 kabuuang bilang na ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Silang sa Cavite matapos ianunsyo ni Mayor Corie Poblete ang pagkakaroon ng 15 bagong kaso ngayong Biyernes, Hulyo 31, 2020 sa kaniyang Facebook page.

Narito ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso kada-barangay:

Brgy Bulihan – 4 bagong kaso
Brgy Yakal – 3 bagong kaso
Brgy Acacia – 2 bagong kaso
Brgy Narra III – 2 bagong kaso
Brgy Narra I – 1 bagong kaso
Brgy Narra II – 1 bagong kaso
Brgy Ipil II– 1 bagong kaso

Ayon sa alkalde, ang karamihan sa mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 ay sumailalim sa mass testing na isinagawa bilang protocol sa kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan.

“Karamihan sa ating mga cases ay mga worker na sumailalim sa Mass testing na protocol ng kanilang kumpanya, symptomatic at tatlo rito ay nagkaroon ng direct contact sa Confirmed COVID-19 patients.” ayon kay Poblete.

“Nasa Isolation Center na ang mga pasyente at nasa stable na kalagayan.” dagdag nito.

Paalala rin ng alkalde, patuloy na sumunod sa health protocols upang makaiwas sa banta ng Coronavirus. “Hangga’t maaari po ay manatili sa ating tahanan at sumunod sa ating mga protokol. Mag-ingat po lalo na ang ating mga workers.” aniya.

Sa kabuuan, mayroon nang 121 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Silang.

 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.