Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nakapagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Silang sa Cavite nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020. Sa Facebook post ni Silang Mayor Corie Poblete, inanunsyo nito na ang mga bagong kasong naitala ay mula sa mga Barangay Narra II, Bulihan, Balite 1, Litlit, Batas, Adlas,Munting Ilog, Puting Kahoy, Tartaria, Iba, Biga 1.

Narito ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso kada-barangay:

Barangay Narra II – 1 bagong kaso
Barangay Bulihan – 1 bagong kaso
Barangay Balite 1 – 1 bagong kaso
Barangay Litlit – 1 bagong kaso
Barangay Batas – 1 bagong kaso
Barangay Adlas – 1 bagong kaso
Barangay Munting Ilog – 1 bagong kaso
Barangay Puting Kahoy – 2 bagong kaso
Barangay Tartaria – 4 bagong kaso
Barangay Iba – 1 bagong kaso
Barangay Biga 1 – 1 bagong kaso

Pahayag ng alkalde, ang mga pasyenteng naitala ay mga late cases kung kaya’t patapos na rin ang mga ito sa kanilang 14 araw na quarantine. “Ang mga nasabing pasyente ay late pong naiforward sa atin. Kung kaya’t ang mga ito ay patapos na ng kanilang Quarantine,hindi na nito kinakailangang dalhin pa sa ating Isolation Center at maaaring pagaling na rin ang mga ito.” ani Poblete.

Paalala rin nito sa mga Silangueño, patuloy na sundin ang patakaran upang makaiwas sa COVID-19. “Pinapayuhan ang bawat isa ngayong nakasailalim tayo sa MECQ ay manatili lamang sa ating mga tahanan. Magsuot ng Face mask at Face shield kung lalabas para sa essential purposes.” paalala ni Poblete.

Sa kabuuan, mayroon nang 161 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Silang.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.