Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkakaroon ng 17 panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kawit ngayong Martes, Agosto 11, 2020.

“Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na mayroon tayong 17 na panibagong kaso ng COVID-19 sa ating bayan. Kinikilala po natin sila bilang Patient 73 hanggang 89.”pahayag ni Aguinaldo.

Ang mga nagpositibong pasyente sa COVID-19 ay kinilalang sina:

Patient #73 – 46 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Tabon 1.
Patient #74 – 49 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Toclong.
Patient #75 – 33 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Poblacion.
Patient #76 – 64 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. San Sebastian.
Patient #77 – 63 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Tabon 1.
Patient #78 – 53 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Tabon 1.
Patient #79 – 30 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Congbalay.
Patient #80 – 60 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Panamitan.
Patient #81 – 77 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Kanluran.

Patient #82 – 46 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Kaingen.
Patient #83 – 47 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Kanluran.
Patient #84 – 35 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Sta. Isabel.
Patient #85 – 30 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Wakas 1.
Patient #86 – 88 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Kaingen.
Patient #87 – 42 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Batong Dalig.
Patient #88 – 70 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Balsahan.
Patient #89 – 65 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Balsahan.

 
Sa kabuuan, mayroon nang 89 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kawit, Cavite kung saan 54 dito ang active cases. “Ito na po ang pinakamabilis na pagtaas ng kaso na naitala sa ating bayan, at sa kasalukuyan ay mayroon na tayong 54 na active cases.” ayon kay Aguinaldo.
 
“Nakakabahala po pero hindi po tayo nawawalan ng lakas ng loob sa ating laban kontra pandemya.” dagdag nito.

Kooperasyon ang hinihingi nito sa mga nasasakupan upang maiwasan ang mas pagkalat pa ng sakit sa bayan. “Hinihingi ko rin ang inyong pakikipagtulungan na mapabagal ang pagtaas ng mga kaso sa ating bayan. Naniniwala akong kaya natin ito! Pero magsisimula ito sa DISIPLINA.” pakiusap nito.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.