Sa pangunguna ni Mayor Junio Dualan, ang lokal na pamahalaan ng Naic ay nagbaba ng utos, Lunes, Pebrero 1, 2021, na mas pahihigpitin ang kasalukuyang “quarantine protocol” sa lungsod.

Ito ay matapos umakyat sa 26 ang bagong kaso ng COVID-19, na naitala noong, Hunyo 30, 2021. Kasunod ng ilang lingo na isa o halos walang kaso ang naitala sa lungsod.

Magsisimula ang pagpapatupad ng mas istriktong patakaran, mula Pebrero 3, hanggang Pebrero 15, 2021. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at ng bagong variant mula UK.

Sa bisa ng Executive Order No. 5 Series of 2021, pansamantalang isasara ang munisipyo, kabilang ang mga opisina ng Business One Stop Shop (BOSS), Real Property Tax Payments, Tricycle Franchise Permit at Commision on Election (COMELEC).

Samantala, mananatili namang bukas ang opisina ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Health Office.

“I advise all municipal employees to undergo home quarantine and refrain from wandering around for everyone’s safety,” ani Mayor Dualan.

Ngayong araw, Pebrero 8, 2021, nakatakdang magbalik opisina ang lungsod.

Ayon kay PLtCol. Resty Soriano, hepe ng Naic Police, sa umiiral na Municipal Ordinance No. 22 Series of 2020, balik sa 9pm-4am ang curfew at tuloy parin ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield, sakop nito ang operasyon ng mga establisyimento at iba pang business sa lungsod. Samantala, bawal parin ang mga pagtitipon, kabilang na rito ang mga aktibidad tulad ng Zumba, sporting events, community at religious gatherings, sa itinakdang panahon.

“Actually now po, we in Naic PNP, started implementing na the face mask and face shield guidelines, lahat ho na nahuhuli naming ay dinadala naming sa respective barangay kung saan sila nakatira, kapag resisting po and violators dun lang po naten sila dadalhin sa Detachment for formal filling of their case,”ani Police Chief Soriano.

 

Ang mga mahuhuling lalabag sa quarantine protocol, ay magmumulta ng P1,000 o limang araw na community service (first offense); P1,500 o limang araw na community service (second offense); at P2,500 or limang araw hanggang pitong araw na community service, para sa pangatlong beses na paglabag.

Ayon sa ulat ng Rural Health Unit, umabot na sa 392 and kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 32 ang aktibong kaso, 347 ang gumaling, at 13 naman ang nasawi dahil sa sakit na COVID-19, ang datos ay naitala kahapon, Pebrero 7, 2021.

 

Source: Philippine Information Agency

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.