Mahigit 1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang miyembro umano ng West African Drug Syndicate na naaresto sa Imus, Cavite.

Winasak na ng pulisya ang pintuan sa isang apartment na tinutuluyan ng mga suspek sa Imus, Cavite upang mapasok ang bahay. Pagpasok ng NBI Task Force Anti-Illegal Drugs.

Arestado naman ang dalawang suspek na pawang mga Nigerian Citizens at miyembro umano ng West African Drug Syndicate. Mahigit 1 milyong halaga naman ang natagpuan sa loob ng tahanan na kinumpiska ng awtoridad.

 

Ayon sa NBI, nahuli na ang dalawang suspek noong 2016 ngunit nakalaya matapos magpiyansa.

“Sila yung nagrerecruit ng mga Pilipino na ginagawang drug courier. Sa mga appliances tinatago nila doon. Gumagawa sila ng mga false bottom para hindi ma-detect yung ilegal na droga.” pahayag ni Atty. Ross Jonathan Galicia na Chief ng NBI Task Force on Anti-Illegal Drugs sa panayam nito sa GMA News.

Kasama rin sa mga nakumpiska ang iba’t-ibang appliances katulad ng electric grill, flat screen TV, vaccum, at iba pa na ginagamit umano ng mga suspek para pagtaguan ng droga na binibitbit ng mga nirecruit nilang Pilipino.

 

“May mga tao na kapag wala nang makain, they will resort to anything para lang magkaroon ng laman yung tiyan nila.” ani Galicia.

“They’re risking the Filipino by using them as drug trafficers. So when they get arrested in a foreign country, for example, in China, ang penalty don is death penalty.” dagdag pa nito.

Nahaharap naman ng kasong paglabag sa dangerous drug act ang mga suspek.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.