Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020.

Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito ang active cases, 256 ang gumaling na at 11 naman ang nasawi. Samantala, mayroon namang 387 suspect cases ang bayan.

Ang Barangay Bagtas ang may naitalang pinakamataas na kaso kung saan 25 ang gumaling na, 14 ang active cases at 1 naman ang bilang ng nasawi. Sinundan naman ito ng Barangay Bucal kung saan 19 ang mga gumaling na at 14 naman ang active cases. Ikatlo naman ang Barangay Paradahan 1 na mayroong 32 kabuuang kaso kung saan 16 ang gumaling na, 14 ang active cases at 2 naman ang mganasawi.

Bagamat mataas ang bilang ng mga gumaling sa bayan, ihinayag ni Pacumio ang pagkalungkot nito sa 11 na nasawi. ” Mas marami pa rin ang bilang ng mga gumaling na pumalo na sa 256. Pero nakalulungkot na balitang umakyat na sa labing isa (11) ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus infection.” ayon dito.

Kaya naman, patuloy ang paalala nito sa publiko na mag-ingat at sumunod sa patakaran upang makaiwas sa sakit. “Manatiling nakaalerto. Huwag ipagwalang bahala ang COVID-19.” ayon dito.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Lalawigan ng Cavite, Balik ECQ Simula Marso 29, 2021!

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, balik ECQ ang buong lalawigan ng Cavite simula Marso 28 hanggang Abril 4, 2021. "Just talked to SPOX Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021." ani Remulla. "I will report...

5-Anyos na Bata Mula Cavite, Pinagsasaksak ng Bisita!

Dalawang saksak sa katawan ang inabot ng isang 5-anyos na bata na nakatira sa lalawigan ng Cavite. Natamo umano ng biktima ang saksak mula sa kanilang bisita na pinagtangkaang halayin ang ina ng bata.Ayon sa balita ng GMA Public Affairs, pinatuloy lamang daw ang...

Inuman at KTV, BAWAL sa Cavite Ngayong GCQ!

Ngayong sasailalim muli ang lalawigan ng Cavite sa General Community Quarantine o GCQ, inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla ang pagbabawal ng mga party o inuman ng magbabarkada. Ito ay ayon sa kaniyang Facebook post ngayong linggo ng gabi, Marso 21, 2021."Bawal ang...

Cavite, Isasailalim Muli sa General Community Quarantine!

Ang buong lalawigan ng Cavite ay sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine simula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. Ito ay ayon sa Resolution No. 104 na inilabas ng Inter-Agency Task Force nitong Marso 20, 2021.Samantala, wala pang inilalabas na quarantine...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.