7 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cavite City kung saan 3 dito ang naitala nitong Agosto 18 at 4 naman nitong  Agosto 19. Ang mga pasyente ay kinilalang sina Patient #88 hanggang Patient #94.

Narito ang impormasyong inilabas ng pamahalaang lungsod tungkol sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 nitong Agosto 18:

Patient #88 – isang babae na residente ng Barangay 44. Empleyado ito ng isang pribadong kumpanya sa labas ng Cavite City.
Close contact ito ng kasamahan sa trabaho na nag-positibo din sa Coronavirus Disease. Kasalukuyan itong asymptomatic at nakatakdang i-admit sa Cavite City Quarantine Facility (CCQF).

Patient #89 – isang babae na nakatira sa Barangay 10-B. Ito ay asymptomatic at nakatakdang dalhin sa CCQF.

Patient #90 – isang babae na mula rin sa Barangay 10-B. Close contact ito ni Patient #89. Asymptomatic ito at nakatakdang i-admit sa CCQF.

Samantala, narito naman ang mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 nitong Agosto 19:

Patient #91 – isang lalaki na nakatira sa Barangay 17. May nararamdamang sintomas ang pasyente at kasalukuyang naka-admit sa isang ospital sa labas ng Cavite City.

Patient #92 – isang babae na mula sa Barangay 12. Symptomatic ito at nakatakdang dalhin sa CCQF.

Patient #93 – isang lalaki na nakatira sa Barangay 6. Ito ay na-admit sa isang ospital sa Cavite City ngunit binawian ng buhay kasabay ng pagkuha ng swab test nitong Agosto 1, 2020. Lumabas naman ang resulta nitong Agosto 9, 2020.

Patient #94 – isang lalaki na mula sa Barangay 43. Close contact ito ni Patient #77 at kasalukuyang symptomatic. Nakatakda itong dalhin sa CCQF.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 94 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cavite City kung saan 64 ang gumaling na at 6 naman ang nasawi. Samantala, mayroon ding 52 suspect cases ang lungsod.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.