Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Photo Courtesy: Screenshot from Unang Balita

Ilang bahay ng mga hinihinalang Gun-for-Hire ang sinalakay nitong Huwebes ng gabi, Agosto 13, sa General Trias, Cavite.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, dis-oras ng gabi nang salakayain ng Cavite Provincial Police Office ang bahay ng mga umano’y gun-for hire para hainan ng search warrant. Naaktuhan pa ng mga pulis ang isang matanda na itatapon sana ang hawak na baril sa likod ng kaniyang bahay.

Depensa ng suspek na kinilalang si Guillermo Ferrer sa panayam nito sa Unang Balita, ginagamit lamang ito pang-self defense. “Pang self defense lang po yan, ako naman ay kilala ng taong nayon na wala naman akong kaaway.”

Ayon din sa ulat, wala talaga sa search warrant ang may-ari ng nakitang baril sa likod ng bahay at ang pakay umano ay ang anak nito na si Rizaldi Ferrer.

Si Ferrer ay isang bodyguard umano ng pulitiko. Nakuha sa kaniya ang loose firearm na kalibre 45 na may live ammunition at ilang pakete ng hinihinalang shabu. Inamin naman ng suspek na gumagamit ito ng shabu.

Kabilang din sa search warrant ang kapit-bahay nito na si Celestino Garcia. Dati rin umano itong bodyguard ng isang politiko at suspek sa pagpatay ng isang pulis. Wala naman umano si Garcia nang puntahan ng mga pulis ang tahanan nito ngunit natagpuan dito ang dalawang baril. Ayon naman sa asawa nito, bihira nang umuwi ang suspek.

Tatlong long firearm na walang papeles naman ang nakuha sa isa pang pamamahay. Hinihinala ng kapulisan na mga gun-for-hire ang mga hinainan ng search warrant.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.