Naglabas ng pahayag si Cavite Governor Jonvic Remulla sa kaniyang Facebook page ng kaniyang opinyon tungkol sa inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na Backride policy para sa pag-angkas sa motorsiklo.

Nagpasalamat ang gobernador sa IATF sa pagpayag nila sa pag-angkas ng mga pasahero sa motor. Ngunit inihayag din nito ang hindi pagsang-ayon sa motorcycle shield.

“Dear IATF. Thank you for the new Backride Poilicy for Couples. Unfortunately, kung sino man ang gumawa ng back shield design ay kailanman hinde sumakay ng motor.” ani Remulla.

“It’s dangerous, inconvenient, and doesn’t make sense.” dagdag pa nito.

Matatandaan nitong Hulyo 9, 2020 ang paglabas ng pahayag ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng pahayag na papayagan na ang pag-angkas sa motorsiklo simula Hulyo 10, 2020. Gayunpaman, binanggit ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga papayagan lamang ay ang mga “married couples” at kinakailangang mayroong shield katulad ng idinisenyo ni Bohol Governor Yap.

Arthur Yap prototype for back riding. RTVM screenshot

 

“Isn’t the point that they live in 1 house makes transmission less possible.” ayon kay Remulla.

Opinyon din nito, sapat na ang paggamit ng helmet, jacket, facemask, gayundin ang couple pass. “Sana sapat na ang naka-jacket, face mask, helmet, at couples pass mula sa barangay.” aniya.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.