Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nakapagtala ang lungsod ng General Trias sa Cavite ng 41 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong Lunes, Agosto 3, 2020. 

Ayon sa lungosd, 5 sa mga kasong naitala ang “new cases” o mga pasyenteng nailabas ang resulta nang nakaraang 3 araw. Samantala, 36 naman dito ang “late cases” o mga pasyenteng lumabas ang resulta nang nakaraang 4 na araw o higit pa.

Wala namang naitalang nasawi sa lungsod sa loob ng 24 oras at mayroon ding 1 pasyenteng gumaling na.

“We have 5 New Confirmed COVID-19 Cases, 36 Late Cases, and 1 Newly Recovered Patient reported today.” ayon sa kanilang anunsyo.

Sa kasalukuyan, ang Cluster 7 ang may pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang nasasakupan nito ay ang Barangay San Francisco at Barangay Santiago.  Ang mga nasabing barangay ay nakapagtala ng 159 kabuuang kaso ng COVID-19.

Patuloy naman ang paalala ng lungsod sa publiko na mag-ingat at sumunod sa patakaran ng pamahalaan. “The public is strongly urged to strictly follow health protocols such as social distancing, wearing of face mask, regular hand washing, and staying at home unless going out for essential goods and services, or working in allowed industries. Vulnerable groups such as senior citizens, individuals 20 years and below, pregnant women, and those with pre-existing medical conditions are advised not to go out of their houses unless extremely necessary.” paalala nila.

Sa kabuuan, mayroon nang 409 kaso ng COVID-19 ang General Trias kung saan 295 dito ang active cases, 105 ang gumaling na, at 9 naman ang nasawi.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.