Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ngayong darating na Agosto 4 nakatakdang sumailalim ang buong lalawigan ng MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine. Sa ilalim ng MECQ, mahigpit na ipinagbabawal ang mga pampublikong sasakyan kagaya ng LTR/MRT, jeepney, taxi, bus, at iba pa.

Kabilang din dito ang mga tricycle ngunit nakadepende ito sa Department of the Internal and Local Government (DILG) o Local Government Unit (LGU) kung papayagan ba ang pagpapasada ng tricyle sa mga lugar na nasasakupan nito.

Panawagan naman ni Noveleta Mayor Dino Chua sa nakatataas, payagan ang byahe ng tricycle para sa masa na nagtatrabaho. Paliwanag nito, lalo umanong mahihirapan kung hindi papayagan ang pampublikong sasakyan.

Pinaliwanag din ni Chua na mahigpit nilang ipatutupad ang “1 passenger only” policy upang masunod ang social distancing.

Sa kasalukuyan, may 47 kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Noveleta kung saan 24 dito ang gumaling na at wala namang naitalang nasawi.

Paalala naman ng alkalde, patuloy na sumunod sa patakaran upang hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19.”Sa pagbabalik ng Cavite Province sa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ, huwag po natin sayangin ang efforts ng ating gobyerno na masugpo ang pagkalat ng covid19 sa ating lugar. Sumunod napo tayo sa patakaran at manatili nalang muli sa bahay para sa ating kaligtasan! ” ani Chua.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.