Kabilang ang lalawigan ng Cavite sa mananatili sa ilalim ng GCQ o General Community Quarantine hanggang Hulyo 31, 2020 ayon sa anunsyong inilabas ngayong Miyerkules ng gabi, Hulyo 15, 2020.

Ang ibang lugar na kabilang din sa mga mananatili sa GCQ sa Luzon hanggang Hulyo 31 ay ang mga sumusunod:

  • Metro Manila
  • Laguna
  • Rizal

Samantala, inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na unang sumang-ayon ang presidente na ibalik sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito ngunit pinayagan na itong manatili sa GC! matapos pag-usapan ng IATF at ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.

“Nag-apela po ang ating Chief Implementer Carlito Galvez at Interior Secretary Eduardo Año dahil nangako po ang ating mga mayor sa Metro Manila na paiigtingin pa nila ang localized lockdown, palalakasin ang testing, tracing and treatment, at ipatutupad ng mas malawakan yung restrictions sa GCQ” ayon kay Roque.

“Sumang-ayon po ang presidente na huwag munang ibalik sa MECQ ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 58,850 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa kung saan 36,260 dito ang active cases, 20,976 ang gumaling na, at 1,614 naman ang nasawi.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.