Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Umakyat na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,561 panibagong kaso ngayong Huwebes, Agosto 6, 2020.

Ayon din sa datos ng DOH, pang-apat na may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ang lalawigan ng Cavite. Ang limang lugar na mayroong pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay ang Metro Manila (2,041), Laguna (222), Cebu (221), Cavite (100), at Rizal (81).

Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Bacoor ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na naitala kung saan 815 na ang naitalang kaso. Sa 815 kaso ng COVID-19 sa lungsod, 409 dito ang active cases, 367 ang gumaling na at 39 naman ang mga nasawi.

Sinundan ito ng General Trias City na mayroong 509 kabuuang kaso ng COVID-19 kung saan 388 ang active cases, 112 ang gumaling na at 9 naman ang nasawi.

Ikatlo naman ang lungsod ng Dasmariñas na may 421 kabuuang kaso ng COVID-19. 199 dito ang active cases, 201 ang gumaling at 21 naman ang mga binawian ng buhay.

 

Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa mga sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ na nagsimula noong Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020.

 

BASAHIN | MECQ GUIDELINES IN CAVITE

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.