Ayon sa pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla nitong Martes, Hunyo 30, hindi sasailalim sa MGCQ o Modified General Community Quarantine ang Cavite dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Aniya, hindi niya inirekomenda sa Inter-Agency Task Force o IATF ang pagsasailalim ng lalawigan ng MGCQ. “Upon concurrence with the IATF, I have chosen NOT to recommend that Cavite be put under a MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE or MGCQ.” ayon kay Remulla.

Ang dahilan ng gobernador dito ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan. “Pataas ang numero ng mga kaso natin. From below 300 during ECQ ngayon ay lagpas 600 na.” ani Remulla.

Paglilinaw din ng gobernador, hindi naman babalik sa ECQ ang lalawigan ng Cavite. “Hinde po tayo babalik sa ECQ. Kaya pa naman ng ating mga ospital.” ayon sa gobernador.

Paalala naman ni Remulla na mag-ingat kahit na malakas ang pangangatawan dahil maaaring magpositibo sa COVID-19 ngunit asymptomatic o hindi makaranas ng sintomas ngunit lubos na nakakahawa sa iba. “Mag-ingat kahit na malakas ang inyong katawan dahil pwede kayong asymptomatic, o walang nararamdaman, ngunit “super spreader” o malakas makahawa. Baka mahawahan ninyo ang inyong mga mahal sa buhay lalo na ang mga Senior Citizens.” paalala nito.

Dagdag ng gobernador, ang tanging sandata sa COVID-19 sa kasalukuyan ay ang pagsunod sa patakaran dahil wala pang bakuna ang nasabing sakit. “WALA pa rin bakuna para sa COVID. Ang tanging panangga lamang ay ang ating pagsunod sa mga patakaran.” aniya.

Samantala, tuloy pa rin umano ang targeted testing para sa mga frontliners. Wala pa rin umanong patakaran ang IATF tungkol sa angkas. Nananatili namang sarado ang mga hotel, motel, bars, at gimikan,

“Ang tanging panlaban sa COVID ay sarili natin. Gabay ang IATF. Subaybay ang LGU. BY NOW YOU KNOW WHAT TO DO AND AVOID. THE GUIDELINES ARE CLEAR. WE ARE ALL COMPETENT ENOUGH TO UNDERSTAND. Disiplina at doble ingat na lang ang kailangan natin.” dagdag na paalala ng gobernador.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.