Ayon sa pinakahuling Facebook post ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 24, 2020, magkakaroon ng bagong panukala ang lalawigan ng Cavite.

Sa bagong panukalang ito, magkakaroon na ng Alcohol Breath Analyzer ang mga kapulisan upang matukoy kung ang isang indibiduwal ba ay nakainom.

Ayon sa gobernador, ang sinumang mahuling sobra sa alcohol limit ang nainom at bumagsak sa alcohol breath analyzer ay aarestuhin at makukulong. “Magkakaron na ng Alcohol Breath Analyzer ang ating kapulisan. Ang mahuli na sobra sa blood alcohol limit habang nagmamaneho ng sasakyan ay automatic na aresto at kulong.” ani Remulla.

Samantala, bibigyan naman ng multa ang sinumang mahuli na naglalakad sa kalsada na hinihinalang nakainom at bumagsak sa breath analyzer test.

Ayon sa gobernador, ito ay para sa kapakanan ng nakararami. Maaari umanong uminom ng marami kung nasa loob lamang ng bahay ngunit maaaring maaresto at makulong ang sinumang mahuhuling nakainom sa lansangan. “Huwag ho kayong magulat o magalit ito ay para sa inyong kapakanan. Ako po mismo paminsan-minsan ay mahilig sa San Mig Light. Hinde po namin pinagbabawal ang uminom ng marami. Pag nasa loob ng bahay ay kayo ang masusunod. Pero sa lansangan, ang batas na ang iiral.” ani Remulla.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.