Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Inanunsyo ni Naic Mayor Jun Dualan sa kaniyang official Facebook page ang pagkakaroon ng 1 panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan. Ito ang ika-66 na kumpirmadong kaso ng nasabing sakit mula sa Naic, Cavite.

“Mahal kong Naicqueños, mayroon po tayong isang (1) bagong kaso ng Covid-19 sa ating bayan.” ani Dualan.

“Para po sa kaalaman ng lahat, ang nagpositive po ay si Patient #66 isang lalaki, 42 years old, driver at taga Brgy. Ibayo Silangan. Under isolation.” ayon sa alkalde ng bayan.

Kasalukuyan naman umanong isinasagawa ng Rural Health Unit ang mga wastong hakbang upang malaman ang mga nakasalamuha ng pasyente. “Ang ating RHU ay nagsasagawa na ng contact tracing para maischedule for swab testing ang mga naging close contacts ng mga nagpositibo.” aniya.

Pakiusap naman nito, huwag i-discriminate ang pasyente at pamilya nito. “Pakiusap po huwag po nating idiscriminate ang pasyente at ang kanilang pamilya. Hindi po ito makakatulong. Hindi nila kagustuhan ang nangyari sa kanila. Ipagdasal na lamang po natin ang kanilang madaliang paggaling.” pakiusap ni Dualan sa publiko.

Pinaalalahanan din nito ang mga nasasakupan na patuloy pa ring mag-ingat sa banta ng COVID-19. “Stay at home Naicqueños. Huwag ipagwalang bahala ang virus na ito. Please wear masks properly (natatakpan ang ilong at bibig) and observe proper social distancing.” aniya.

Dagdag pa nito, patuloy namang isinasagawa ng Rural Health Unit ang mga wastong hakbang para maiwasan ang pagkalat ng sakit. “Ang ating RHU ay nagsasagawa na ng contact tracing para maischedule for swab testing ang mga naging close contacts ng mga nagpositibo.” ayon kay Dualan.

“Stay at home Naicqueños. Huwag ipagwalang bahala ang virus na ito. Please wear masks and observe proper social distancing.” paalala nito sa mga nasasakupan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 66 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Naic kung saan 38 dito ang gumaling na at wala namang naitalang nasawi sa bayan. Samantala, mayroong 411 suspect cases at 1 probable case ang bayan ng Naic, Cavite.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.