8 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Martes, Agosto 18, 2020.

Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay:

Patient 254 – Brgy. Granados
Patient 255 – Brgy. F. De Castro (Mandarin)
Patient 256 – Brgy. F. De Castro (Mandarin)
Patient 257 – Brgy. Poblacion 5 (Proper)
Patient 258 – Brgy. G. De Jesus
Patient 259 – Brgy. Lumbreras
Patient 260 – Brgy. Maderan
Patient 261 – Brgy. G. De Jesus

Isinasagawa naman umano ng pamahalaang bayan ang mga wastong hakbang katulad ng contact tracing. “Kasalukuyan na pong isinasagawa ang contact tracing ng ating health monitoring team at sila ay under strict quarantine protocol.” pahayag nila.

“Ang pamahalaang bayan din ay magbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.” dagdag nito.

Patuloy na paalala ng pamahalaan sa publiko na sundin ang patakaran upang makaiwas sa COVID-19. “Patuloy po tayong manalangin para sa kanilang agarang pag-galing. Mag-ingat din po ang lahat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at pagmaintain ng physical distancing.” ayon sa pamahalaan.

Sa kabuuan, mayroon nang 261 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez kung saan 105 ang active cases, 150 ang gumaling na at 6 naman ang mga nasawi.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.