Malungkot na ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay ang pagkakaroon ng 7 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong Lunes, Hulyo 13, 2020. Ito ang pinakamataas na bilang ng kaso na naitala sa lungsod.

Narito ang impormasyong inilabas ng lungsod sa kanilang Facebook page ukol sa mga nagpositibong pasyente:

Patient #10 – 52 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Kaybagal South
Patient #11 – 15 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Kaybagal South
Patient #12 – 22 taong gulang na babae mula sa Barangay Kaybagal South
Patient #13 – 2 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Kaybagal South
Patient #14 – 63 taong gulang na babae mula sa Barangay Kaybagal Central
Patient #15 – 63 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Kaybagal Central
Patient # 16 – 53 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Mag-asawang Ilat

Nagbigay rin ng karagdagang detalye ang lungsod tungkol sa mga pasyente.

“Si Patient #10 (52 taong gulang, lalaki), #11 (15 taong gulang, lalaki), #12 (22 taong gulang, babae) , #13 (2 taong gulang, lalaki) ay pawang mga kamag anak ni Patient #7 mula sa Barangay Kaybagal South. Kung matatandaan, si Patient #10 na isang construction worker ay may travel history sa karatig lungsod ng Tagaytay (dito rin sa lalawigan ng Cavite) kung saan sya nagtatrabaho. Base sa ginawang contact tracing sa mga kamag anak nito, tatlo pa (pt 11, 12, 13) ang nakumpirma na positibo sa isinagawang RT-PCR (Swab Test). Natukoy na ang mga close contacts ni Patient #11, samantalang wala namang travel history sina Patient #12 at #13. Kasalukuyan, ang mga ito ay inoobserbahan ng Tagaytay COVID-19 Medical Team sa ating isolation facility.” ayon sa pamahalaang lokal.

“Sina Patient #14 at #15 naman ay parehong 63 years old na mag-asawa na mula sa Barangay Kaybagal Central. Pawang mga negosyante at may travel history sa NCR, kung saan nandoon ang kanilang negosyo. Kalaunan ay nakaramdam nang lagnat at ubo, kaya nagpakonsulta sa ospital at nagpa-swab test. Dito napag alaman na sila ay positibo sa COVID-19. Sa kasulukuyan, sila ay asymptomatic na, kaya minabuting mag-home quarantine na lang sa kanilang tahanan, at mino-monitor ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng Kaybagal Central.” ayon din dito.

“Si Patient #16 naman ay 53 years old, lalaki, mula sa Barangay Mag-asawang Ilat at may trabaho sa isang health care facility sa NCR. Sa kanyang pag-uwi nitong nakaraang weekend, siya ay nakaramdam ng lagnat, kaya nagpakonsulta at napag-alaman na positibo sa RT-PCR test for COVID-19. Sa kasalukuyan, siya ay asymptomatic, naka-home quarantine sa kanyang tahanan at minomonitor ng BHERT.” dagdag pa nila.

Samantala, isinasailalim naman sa lockdown ang mga subdivision ng mga nasabing pasyente habang isinasagawa ang contract tracing at minomonitor ang health status ng mga residente sa kanilang lugar.

Sa kabuuan, mayroon nang 16 kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Tagaytay kung saan 2 ang naitalang gumaling na.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.