Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ayon sa pinakahuling balita na inilabas ni Silang Mayor Corie Poblete sa kaniyang official Facebook page, 7 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng Silang ngayong araw ng Martes, Hulyo 21, 2020.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng lungsod, ang detalye ng mga pasyente ay ang mga sumusunod: 

Patient #59 – 65 taong gulang na babaeng residente ng Barangay Tubuan II;
Patient #60 – 78 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Tartaria;
Patient #61 – 39 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Tubuan II;
Patient #62 – 25 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Iba;
Patient #63 – 42 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Inchican;
Patient #64 – 42 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Inchican at;
Patient #65 – 44 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Narra III.
 
 
Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga nasasakupan nito na sumunod sa patakaran ng gobyerno upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa lugar. “Pinapayuhan po ang lahat na sumunod sa protokol at polisiya na ating ipinapatupad ngayong patuloy ang pagdami ng kaso ng Covid19 sa ating bayan. Ang pagso-social distancing at pagsusuot ng face mask ay kinakailangan sa lahat ng oras.” ayon kay Poblete.
 

“Ang sino man po ang lalabag ay may kaukulang kaparusahan na nakasaad sa ating Ordinansa PB-013. Ang ating mga STMO ay nag-iikot upang siguruhin ang pagsunod ng bawat isa. Ang mga Barangay Officials ay inaasahang tumulong sa pagsisiguro na ang bawat residente ay nakasuot ng facemask at mayroong Q-pass o mga nagtatrabaho lamang ang makakalabas ng kanilang Barangay.” dagdag na paalala nito.

Sa kabuuan, mayroon nang 65 kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Silang kung saan 30 ang gumaling na at 5 naman ang nasawi.

 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.