Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nakapagtala ng 6 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Indang ngayong araw ng Linggo, Agosto 9, 2020 ayon sa anunsyo ng pamahalaang lokal sa kanilang Facebook page.

Ang mga pasyente ay kinilalang sina:

Patient #73 – 35 anyos na babae na isang Government employee. Nakatira ito sa Barangay Guyam Malaki. Kasalukuyan itong nakakaramdam ng sintomas at naka-home quarantine.

Patient #74 – isang 30 anyos na babae mula sa Barangay Kayquit 1. Isa itong government employee at kasalukuyang naka-home quarantine. Wala namang nararamdamang anumang sintomas ang pasyente.

Patient #75 –55 taong gulang na babae na nakatira sa Barangay Kayquit 1. Isa itong government employee. Kasalukuyan itong naka-admit sa isang pribadong ospital at nakakaramdam ng mild symptoms.

Ang mga pasyente ay kinilalang sina:

Patient #76 – 55 anyos na lalaki na empleyado ng isang pribadong kumpanya. Mula ito sa Barangay Banaba Cerca. Kasalukuyan itong naka-home quarantine at nakakramdam ng sintomas.

Patient #77 – 50 taong gulang na lalaki na isang government employee. Mula ito sa Barangay Daine 1. Kasalukuyan itong naka-home quarantine at asymptomatic.

Patient #78 – 24 anyos na babae na isang empleyado ng pribadong kumpanya. Nakatira ito sa Barangay Poblacion 1. Ito ay asymptomatic at naka-home quarantine.

Sa kabuuan, mayroon nang 78 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Indang kung saan 45 ang active cases, 32 ang gumaling na at 1 naman ang nasawi.

Ayon naman sa pamahalaang lokal, patuloy nilang isinasagawa ang mga wastong hakbang upang makaiwas sa mas pagkalat pa ng sakit sa bayan. “Nagsasagawa na po ng mga kaukulang protocol tulad ng contact tracing ang ating Rural Health Unit, katuwang ang ating mga Barangay Captains at mga Officials sa mga nasabing barangay na mahigpit ang isinasagawang monitoring at pagbabantay upang maagapan ang naturang sitwasyon.” pahayag nila.

“Umasa po kayo na ang ating Pamahalaang Bayan ay tinitiyak ang kaligtasan at kahandaan ng ating bayan sa gitna ng ating patuloy na laban sa banta na dala ng sakit na COVID19.” dagdag nila.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan, patuloy na sumunod sa health protocols upang maprotektahan ang sarili mula sa banta ng COVID-19. “Muli po ang ating pakiusap na sumunod sa lahat ng umiiral na patakaran na ipinatutupad at mas paigtingin ang ibayong pag-iingat higit lalo sa unti-unting pagbalik ng ilang aktibidad sa ating pamayanan na maaaring magdulot ng panganib dulot ng sakit na COVID19.” paalala nila sa publiko.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.