Nakapagtala ang lungsod ng Bacoor ng 42 panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod nitong Agosto 19, 2020.

 

Sa kasalukuyan, mayroong pinakamataas na naitalang kaso sa Molino 3 kung saan 164 na ang nagpositibo sa Coronavirus Disease. Sa 164 bilang dito, 61 ang active cases, 94 ang gumaling at 9 naman ang nasawi.

Pangalawa naman ang Molino 4 na mayroong 111 kumpirmadong kaso. 39 dito ang active cases, 69 ang gumaling na at 3 naman ang binawian ng buhay.

Pangatlo naman ang Molino 2 na may 64 kumpirmadong kaso ng COVID-19. 15 sa mga ito ang active cases, 44 ang gumaling na at 5 ang mga nasawi.

Samantala, 25 na paggaling naman ang naitala nito ring Miyerkules, Agosto 19.

May 1199 kabuuang bilang na ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod ng Bacoor kung saan 503 dito ang active cases, 643 ang gumaling na at 53 naman ang mga nasawi.

Mayroon ding 26 probable cases at 114 suspect cases ang lungsod.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.