Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Cavite ang sa kanilang opisyal na Facebook page ang pagkakaroon ng 4 na panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod nitong Linggo, Agosto 23, 2020.

Narito ang impormasyong inilabas ng pamahalaang lungsod tungkol sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19:

Patient #97 – isang lalaki na residente ng Barangay 42-M. Kasalukuyan itong symtomatic at naka-admit sa isang ospitalsa labas ng Cavite City.

Patient #98 –  isang babae na nakatira sa Barangay 43. Isa itong frontliner at kasalukuyang asymptomatic. Naka-home quarantine ang pasyente.

Patient #99 – isang babae na nakatira sa Barangay 43. Isa itong frontliner at naka-home quarantine. Wala namang nararamdamang anumang sintomas ang pasyente.

Patient #100 – isang lalaki na residente ng Barangay 50. Empleyado ito ng isang pribadong kumpanya sa labas ng Cavite City. Kasalukuyang symptomatic ang pasyente at nakatakdang i-admit sa Cavite City Quarantine Facility (CCQF).

Sa kasalukuyan, mayroon nang 100 kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa Cavite City kung saan 64 dito ang gumaling na at 6 naman ang mga nasawi.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.